18 July 2008

Sa Pinilakang-Tabing

Sa isang linggo, araw, oras, minuto, at segundo, marami kaagad ang nangyayari. Para bang isang pelikula na times 56 nga lang ang haba. Detalyado. Lahat ng nangyayari may dahilan. Pinagplanuhan. Iisipin mo nga lang na madaya kasi minsan di mo alam na may eksena palang ganito at ganyan na mangyayari dito, doon, o dyan.

------------------------------------------------------------------

Siguro nung unang taon mo sa kolehiyo, gusto mong pumasok dahil sa 5-unit subject mo. Pero ngayon, eto ang dahilan para asamin mo kaagad ang weekends.

Tapos nung bata ka palang, hilig na hilig mo ang pagkanta. Ngunit sa kasalukuyan, di mo na alam kung tama ba ang ginagawa mo kasi pati pagbuka ng bibig at technique kung pano kumanta ng maganda ay napupuna na ng mga nakapaligid sa iyo.

At marahil nung natututo kang magbasa ay nabasa mo lahat ng versions ng Aladdin at Little Mermaid, pati yung Kuneho at Pagong. Pero ngayong malaki ka na, halos itapon mo na yung mga librong kaharap mo sa araw-araw na ginawa ng Diyos.

Pero..

Ang dating mga bagay na dati mong nakakaligtaan, ngayo'y unti-unti mo nang napupuna. Pinipilit mo na idugtong ang bawat piraso.

Kahit na 50% lang sa lahat ng natutunan mo ngayong araw ang pumirmi sa iyong memory, pilit mo paring inaalala ang other 50%. Hindi ka man maging successful na makuha ang kalahati ng natanim sa utak mo, alam mo naman sa sarili mo na may na-retrieve kang kahit 15% man lang. (pampalubag-loob.hahahaha)

At kahit maging 200-350 ang grado ng salamin sa kakabasa ng readings na kagila-gilalas ang kapal, matutuwa ka naman sa bandang huli na halos ipa-frame mo na ang lahat ng readings mo dahil sa isang dahilan. Uno ka sa first exam niyo.

------------------------------------------------------------------

Oha, lahat naman ng pelikula laging may climax. Pero meron din namang pambawi bandang huli para din bumenta. Pahihirapan lang kunyari yung bida. Sampal dito. Tadyak doon. Pero siya parin ang mananalo.

Ang exciting pa dun, hindi mo alam kung ikaw ang LEAD ROLE [qualifications: mestisa/mestiso, matangkad, half-Filipino half-other lahi, pwedeng lagyang ng prostetics, handa sa mga scene na kikidnapin, aapihin, babastusin, atbp.] , SUPPORTING ACTOR/ACTRESS [qualifications: marunong magsabi ng "kaya mo yan!", "ikaw naman kasi e, bakit mo ginawa yun?", at "wag mo syang sasaktan!!"] , o KONTRABIDA [qualifications: may leather/denim jacket, shades, leather shoes, limousine, at mga 4-5 na tauhan w/ complete costume din].

SAAN KA MAGAAUDITION?

LIGHTS. CAMERA. ACTION!
____________________
18july08
ang kinahantungan ng halos lahat ng pag-uusap na nasaksihan ko ngayong araw.
hanep men, parang pelikula ang dating.
baka nga pumatok. anong role ang pipiliin mo?

Pasakali

Magulo.
Hindi matiwasay.
Ako'y nananatiling nakatayo sa dulo ng kawalan.
Hindi malaman kung saan pupunta.
Unti-unting sumisirit.
Nagpupumiglas.
Takbo.
Hanapin mo kung saan ka paroroon.
Dahilan, ano ito?
Basura.
Kalat.
Hindi na dapat ito pinapapatagal.
Nakakayamot.
Itapon.
Kalimutan na ang lahat.
Pasakit.
Pagdurusa.
Masyadong mabigat.
Pasaning nagdadala sa aking lusak.
Putikan.
Hindi ko na sana ito kailangan.
Pero.
Nandito.
Lahat ng ito ay nasa akin lamang.
Akin.
Lamang.
___________________
18july08
"lahat ng ito ay sa akin lamang.."
period. no erase!

02 July 2008

Nakakasira nga ng SENSES

kasi sila mismo, wala nang tinatawag na "sense".

naging proud tuloy ako maging isang music major.

____________________
02july08
yeah..right!
never ever ever again.