12 December 2009

una

sa bawat yapak
na aking iminamarka
sa landas ng hindi ko alam
kung saan
pinagmamasdan ko
ang karimarimarim
ang kalunus-lunos
na hubog
ng aking mga paa
ang guhit
sa aking palad
hindi ko na masilayan

aking sinasalat
ang bawat pag-ihip ng hangin
aking pinapanuod
ang pagbulong ng mga dahon

tatahakin ko parin ng pilit
ang landas na nagmamarka
ng aking mga yapak
patungo sa landas ng
hindi ko alam
kung saan
____________________
12december09
one down..maybe 4 more to go :)
-ara.janelle

24 August 2009

Me

pitter.
patter.

the rain gently fell
she treaded the dim-lit avenue
gravity pulled raindrops gracefully from her umbrella
puddles gave her feet a tingling feeling

suddenly
a sudden rush of blood
a tight arm around her neck
drained every inch of energy within her

hand on the trigger
"give everything to me!"

she gave in

after what seemed to be years
she found herself alone
under the now-heavy rain
raindrops violently disturb her beautiful umbrella
shadows cover her earth
her feet shivers

she didn't
didn't
shed a tear

she walks slowly
her feet heavy on the ground
her pulse is quick
shaking violently
she is almost dying inside

sleepless nights.
brain-wrecks.
negativity.
denial.
hatred.
fear.
numbness.
HOME.

"give everything to Me."

hold back
then
let go

and she never
never
shed a tear

"now, i have every reason

to love

the rain."
____________________
24august09
i might have a reason to be afraid
but i have every reason not to.
i have THE reason not to.
-ara.janelle

19 August 2009

[tago]

huling nakita:
kasama ang mga kaibigan sa dyip
[paandar. paalis.]

sieteng pamasaheng dinukot
isang celfone na nahulog
[iglap...saklap!]

'sino? ano?' hindi nakakibo
nang makita ang nakahandusay doon
[bilis! takbo!]

isa lamang ang nasa isipan --
kailangang mailigtas, walang pero-pero
[kalma. gising...]

kailangan maging matatag
may panahon para ipakita ang naramdaman
[lapit. buntung-hininga.]

'gising lang a. wag matutulog.'
dahan-dahang naisambit
[nginig. pikit.]


mga tanong na di masagot ng deretso
mga taong nakiki-usyoso
katawang walang maramdaman kundi
ang malamig na semento at pawis sa noo
pusong bumibilis ang tibok sa bawat segundong...
...lumilipas

[nasaan? ano?]

dumating ang tulong
unti
unti


lumayo


...di na mapigilan ang nararamdaman

___________________
19august09
kailangan kong mapigilan ang naramdamang kaba..
takot..
hindi ko ito pwedeng ipakita..
para sa kapakanan niya.
ang hirap...
Kuya Kevin, pagaling ka na a!
-ara.janelle

30 March 2009

Ilaw.

Unang linggo ng Enero, iniisip ko kung ano ang gagawin. Dapat gawin. Pwedeng gawin. Unang beses ko kasing magtuturo ng isang grupo. Rondalla group. Waw, first time.

Nung una, kinakabahan ako. Sobra. Nag-aalala kasi ako na baka mali ang sabihin ko, baka di nila maintindihan lahat ng lumalabas sa bibig ko, at baka ayaw nila sa akin. Lahat ng ito ay pumapasok sa utak ko. Naglalaro.

"...as You began to sing over me songs of deliverance." Hay Lord, sana i-deliver nyo ako sa kaba na nararamdaman ko.

Pagpasok ko ng gate, nararamdaman ko na bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Umiinit ang tenga ko. Nangunguryente ang mga kalamnan ko. Wag, wag ganyan. Andito ka na. Nakatapak ka na. Kaharap mo na sila. Wala nang atrasan. Naku po.

Nagugulat ako sa sarili ko. Bigla nalang lumalabas ang mga salita. Biglaan.

Hindi ko rin akalain na mapapalapit ako sa mga estudyante ko. May ibang nagsasabi na dapat di ka daw maging attached sa mga students mo. Pero sa paraang iyon mo maiintindihan ang mga taong kaharap mo kapag tinuturuan mo sila. Kapag break time nakikipagkwentuhan sila sa akin. Jamming kami. Tinuturing na din nila akong ate.

Pero may isa akong estudyante na talagang napalapit sa akin. Kinukwentuhan nya ako ng mga karanasan nya. Nung nalaman nga nyang "Ili, Ili, Tulog Anay"ang tutugtugin naming pyesa. Kinuwento nya na yun daw ang kinakanta ng nanay nya nung bata sya. Naaalala pa nya yung melody, pero di nya maalala yung lyrics. Sya din yung pinaka-excited na pumunta ng UP para tumugtog.

Ngunit isang araw nabalitaan ko nalang na dinala sya sa ICU. Bigla daw nag-blow ng dugo. Bumigay ang lungs. At kinabukasan, kinuha na sya ng Panginoon.

Di ako nakapunta sa burol nya. Hindi rin ako nakapunta sa libing nya.

Pero alam ko na naging ilaw ang buhay ko sakanya sa pmamagitan ng aking mga salita at gawa. Naalala ko yung sinabi nyang "isa ka sa mga teacher namin na naging patient sa amin. hindi ka naninigaw. hindi ka nagmumura. lagi kang naka-smile." Isa lang ang nasabi ko, "Kasi yun ang gusto ni Lord."

Bilang isang guro, naniniwala ako na hindi lang kaalaman ang kailangan mong ituro. Kailangan makita nila sa iyo kung paano mamuhay ng tama. Lagi kong tinatandaan na minamasid ako ng mga estudyante ko. At ang goal ko, makita nila ang Panginoon ng buhay ko.

Maging paalala sana ito sa ating mga Kristyano na maging ilaw sa gitna ng mundong naninimdim.

"Let your light so shine that they may see your good works and glofiry your Father in heaven."

_________________________
31march09
Rosbert, sana'y naging ilaw ang buhay ko sa isang katulad mong nangungulila.
Mamimiss kita, estudyante ko.

17 January 2009

Be the wind chime.
Let the breeze blow through you.
Turn the storms into songs.

Be the butterfly.
Enjoy the riches of the moment.

Be the pebble.
Let time smooth and shape you.

Be the leaf.
Fall gracefully when your time comes to let go.

Be the rain.
Wash. Cleanse. Forgive.

____________________
17jan08
just saw it on my mom's planner :)

13 January 2009

Enero...

Ang tagal ko nang hindi naglalagay ng entry dito. Masyado na ata akong madaming ginagawa. Marahil, wala naman akong gagawin pero naghahanap ako ng ibang magagawa. Pero, tingin ko, marami nga akong dapat gawin.

Kahapon (Monday), pumunta ako sa College of Music (CMu) para magklase ng MuEd 141-Rondalla and Guitar Methods. Pagdating ko dun, wala nanaman si mam. Hanep talaga. Sayang din yun sa pamasahe. Naghanap nalang tuloy kami ni ate Cato ng pyesa na pwedeng gamitin para sa rondalla group na tuturuan namin. Task #1: Ako mag-a-arrange ng Twinkle, Twinkle Little Star at Ili, Ili Tulog Anay. Walang-wala pa naman ako sa pagdating sa arranging and stuff. I'm such a loser. :P

Pagkatapos nun, kumain kami ni Ate Cato sa College of Mass Communication (CMC). Ang kinain ko ay chopsuey at meat. Wow, in fairness, nakakamiss talaga kumain ng gulay. Pero hindi ko namimiss ang C2. Masaya na kasi ako kay H2O. Task #2: Wag kumain ng madami at bawal uminom ng C2 and sodas. In other words, diet!!!! Shocks, meron pala nun sa vocabulary ko. hahaha :D Ang sarap kasi kumain e!!

Pumunta ako sa Child Development Center (CDC) sa may College of Home Economics (CHE) para magobserve ng bata sa 3's class. Pagkadating ko dun, paang nanlumo ako bigla. Ang tahimik. Wala akong marinig na boses ng bata. Oh no, this is not good. Baliktad na ba ang earth? Matatanda na ang pumapasok sa preschool? Sinakop na ata tayo ng mga alien. Hinanap ko yung teacher ng batang ioobserve ko. Wala sya! Wala! Umakyat ako sa 2nd floor, sa offices ng teachers. Muntik akong mahilo nung nakita ko yung schedule nila. Wala din silang pasok ng Monday! Waaaaaaah. Task #3: Ayusin ang schedule sa pagoobserve ng bata.

Pagkatapos kong mapagod sa paglakad papuntang CDC, naglakad ako papuntang Shopping Center (SC) para kunin yung pina-photocopy kong libro. Northon Anthology of Western Music. Nakuuuuu. Task #4: Mag-aral para sa exam sa MuL15! (iyak. XP)

Pagdating ko sa photocopy center, nakita ko yung article na binigay sa amin ni mam Dulce for FLCD 101. Kelangan ko magpa-photocopy ng 7 copies. And... Task #5: Basahin ang article at gumawa ng paper about it! :'((

At ang iba:
#5: aralin ang piano pieces, lalo na yung ever-favorite kong Bach Preludio. Argggghhh!!
#6: yung voice pieces din.
#7: mag-aral para sa nalalapit na midterms ng FLCD 101.
#8: and many, many, many more!!!


haaay...

buhay mag-aaral...

____________________
13jan08
iniisip ko kung paano ko pagkakasyahin ang lahat ng gagawin ko...
ng 2 months!
organize!!