30 March 2009

Ilaw.

Unang linggo ng Enero, iniisip ko kung ano ang gagawin. Dapat gawin. Pwedeng gawin. Unang beses ko kasing magtuturo ng isang grupo. Rondalla group. Waw, first time.

Nung una, kinakabahan ako. Sobra. Nag-aalala kasi ako na baka mali ang sabihin ko, baka di nila maintindihan lahat ng lumalabas sa bibig ko, at baka ayaw nila sa akin. Lahat ng ito ay pumapasok sa utak ko. Naglalaro.

"...as You began to sing over me songs of deliverance." Hay Lord, sana i-deliver nyo ako sa kaba na nararamdaman ko.

Pagpasok ko ng gate, nararamdaman ko na bumibilis ang pagtibok ng puso ko. Umiinit ang tenga ko. Nangunguryente ang mga kalamnan ko. Wag, wag ganyan. Andito ka na. Nakatapak ka na. Kaharap mo na sila. Wala nang atrasan. Naku po.

Nagugulat ako sa sarili ko. Bigla nalang lumalabas ang mga salita. Biglaan.

Hindi ko rin akalain na mapapalapit ako sa mga estudyante ko. May ibang nagsasabi na dapat di ka daw maging attached sa mga students mo. Pero sa paraang iyon mo maiintindihan ang mga taong kaharap mo kapag tinuturuan mo sila. Kapag break time nakikipagkwentuhan sila sa akin. Jamming kami. Tinuturing na din nila akong ate.

Pero may isa akong estudyante na talagang napalapit sa akin. Kinukwentuhan nya ako ng mga karanasan nya. Nung nalaman nga nyang "Ili, Ili, Tulog Anay"ang tutugtugin naming pyesa. Kinuwento nya na yun daw ang kinakanta ng nanay nya nung bata sya. Naaalala pa nya yung melody, pero di nya maalala yung lyrics. Sya din yung pinaka-excited na pumunta ng UP para tumugtog.

Ngunit isang araw nabalitaan ko nalang na dinala sya sa ICU. Bigla daw nag-blow ng dugo. Bumigay ang lungs. At kinabukasan, kinuha na sya ng Panginoon.

Di ako nakapunta sa burol nya. Hindi rin ako nakapunta sa libing nya.

Pero alam ko na naging ilaw ang buhay ko sakanya sa pmamagitan ng aking mga salita at gawa. Naalala ko yung sinabi nyang "isa ka sa mga teacher namin na naging patient sa amin. hindi ka naninigaw. hindi ka nagmumura. lagi kang naka-smile." Isa lang ang nasabi ko, "Kasi yun ang gusto ni Lord."

Bilang isang guro, naniniwala ako na hindi lang kaalaman ang kailangan mong ituro. Kailangan makita nila sa iyo kung paano mamuhay ng tama. Lagi kong tinatandaan na minamasid ako ng mga estudyante ko. At ang goal ko, makita nila ang Panginoon ng buhay ko.

Maging paalala sana ito sa ating mga Kristyano na maging ilaw sa gitna ng mundong naninimdim.

"Let your light so shine that they may see your good works and glofiry your Father in heaven."

_________________________
31march09
Rosbert, sana'y naging ilaw ang buhay ko sa isang katulad mong nangungulila.
Mamimiss kita, estudyante ko.