31 March 2010

Wan, Tu, Tri!

Ako si Ara. Ako ay nag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Lagro. Walong taong gulang lamang ako ngunit nasa ikalimang baitang na ako. Ang alam ko ay tumalon daw ako ng baitang, hindi ko lang alam kung paano nangyari talaga yun. Ang tatay ko ay nagtatrabaho sa gobyerno. Ang nanay ko naman ay nasa bahay lang para alagaan at bantayan kami. Simple lamang ang aming buhay.

“Nay! Papasok na po ako ng eskwelahan.” Aking isasambit kapag alas-singko y medya na ng umaga.

“O sige anak, eto na ang iyong baon.” Laging iaabot ni Nanay ang bente pesos sa aking kamay.

Maaga akong umaalis sa bahay dahil malayo ang paaralan sa aming bahay. Mga tatlompung minuto ang byahe na nagiging isang oras kapag trapik. Mas madalas ang trapik kapag umaga dahil napakarami nang tao na pupunta sa eskwelahan at trabaho. Pagkababa ng sasakyan ay tatakbo kaagad ako sa linya naming sa quadrangle para sa pagkanta ng Pambansang Awit.

“Bayang magiliw (hingang malalim) perlas ng (hingang malalim) Silanganan…”

Ang bente pesos ko ay napapagkasya ko din sa isang araw. Ang pamasahe ko ay nasa 8 pesos,16 pesos kung balikan. Ang natitirang apat na piso ay ipambibili ko nalang ng biskwit na tig-tatlong piso. Mayroon pa akong ipon na piso!

“Ara, gusto mo ba ng pagkain? Meron pa ako ditong maliit na sandwich,” sambit ng aking kaklase.

Ang isasagot ko naman, “Naku, ayos lang. Busog na ako dito sa tatlong Marie biscuits. Salamat nalang.”

Pero, kung ako’y gutom talaga, hindi ko na tatanggihan ang alok ng aking kaklase.

Isang araw, nauna sa aking umalis si Nanay sa bahay. May nakita akong sulat sa lamesa. “Ara, nauna kami ng tatay mong umalis dahil may kailangan kaming puntahan. Yung baon mo nilagay ko na sa wallet mo. Galingan mo sa school ha. Love, Nanay.”

Nang nakasakay ako sa dyip, kinuha ko ang wallet ko para kumuha ng pamasahe. Nagtaka ako. Bakit walang laman ang wallet ko? Baka nalimutan ni Nanay ilagay sa sobrang pagmamadali nila ni Tatay. Mabuti nalang at may mga naiipon akong tagpipiso araw-araw. Binuksan ko ang isa sa mga lalagyan ng bag ko at binilang ang barya. Saktong labing-anim na piso! Mabuti nalang at may pamasahe ako.

“Manong, bayad po. Sa may Lagro Elem lang po. Estudyante.”

Pagdating ng recess, naririnig kong kumukulo na ang aking tiyan. Naku, gutom na talaga ako. Nagdadasal ako sa Panginoon na sana ay may lumapit sa aking kaklase para alukin man lang ako ng biskwit. Paglaon ng ilang minuto, wala paring lumalapit. Siguro sakto lang din ang mga baon nila. Hindi ko na natiis at bumili ako ng tatlong Marie biscuits. Naku, bawas na ang pamasahe ko.

“Ang blackboard ba ay solid, liquid, o gas?” Hindi ko masyadong marinig ang guro ko sa Science. Iniisip ko kasi kung paano ako uuwi. Maglalakad nalang ba ako pauwi? Masyadong malayo, delikado pa dahil walang lakaran ng tao ang mga daanan. Biglang may pumasok sa utak ko. Kahapon kasi, may nakatabi akong tatlong estudyante sa dyip nang ako’y pauwi na.

“Huwag na tayong magbayad para mayroon tayong pang-PS.”

“Mahahalata tayo ni manong drayber nyan.”

“Hayaan mo, di tayo mapapansin nyan. Gusto ko din kasi ng scramble mamaya. Ang init kasi e.”

“Ms. Foronda? Is the air solid, liquid, or gas?” Ako na pala yung tinatawag ni sir sa recitation.

“Sir, gas po.”

Pagkatapos ng klase, sandali muna akong tumambay sa may stage sa aming quadrangle. Habang ang ibang bata ay naglalaro ng agawan-base at Chinese garter, ako’y nakaupo at nag-iisip kung paano ako uuwi. Sumabit nalang kaya ako? Kaso babae ako e, hindi yata bagay.

“Mag-wan, tu, tri nalang kasi tayo.” Naalala kong sinambit nung mga hindi nagbayad sa dyip kahapon. Wan, tu, tri pala ang tawag sa hindi pagbayad sa manong drayber. Katunog ng mga numerong 1, 2, 3.

“Ara, bakit parang ang lalim ng iniisip mo dyan?” tanong ng aking kaklase.

“Kasi kulang yung pamasahe ko pauwi.”

“Alam mo, mag-wan, tu, tri ka nalang! Meron ka pang pambili ng Chinese garter pag-uwi mo.”

Wan, tu, tri nanaman. Mukhang usung-uso yun sa aking mga kaklase at sa ibang mga mag-aaral. Ako nalang yata ang nahuhuli sa uso.

Naku, ala-una na pala! Kailangan ko nang umuwi! Sa dyip ko nalang iisipin kung ano ang gagawin ko. Tumayo ako’t naglakad patungo sa sakayan. Nakita ko yung kaklase kong nagtanong sa akin kanina. Sabay na kaming sumakay.

“Nakautang ka ba ng pamasahe?”

“Hindi nga e. Mukhang nagsiuwian na yung iba nating mga kaklase.”

“Sabi ko naman kasi sa’yo, mag-wan, tu, tri ka nalang. Madali lang namang gawin yun e. Dapat mabilis ka lang gumalaw,” pabulong na sinabi sa akin ng kaklase ko.

“Talaga?”

“Oo. Ayan, pababa na ako. Tignan mo kung paano ko gagawin a.”

May pumarang isang ali. Pagkababa ng pumara, dali-daling kumaripas ng takbo ang kaklase ko. Hindi napansin ni manong maging ng kasama niya na hindi pala sya nagbayad. Ganun lang pala kadali yun.

Dahan-dahan kong kinuha ang mga barya sa aking bag.

“Isa, dalawa, tatlo, apat… Isa, dalawa, tatlo, apat…” Pinipilit kong palagpasin ng apat ang aking baya ngunit hanggang sa apat nalang talaga siya. Hinawakan ko ng mahigpit ang apat na pisong hawak ko. Habang papalapit ako sa aking bababaan, lalong pinagpapawisan ang aking kamay at ang mga piso ko. Gayahin ko nalang kaya ang kaklase ko. Kaya ko namang tumakbo ng mabilis dahil sanay na akong maglaro ng mataya-taya.

Medyo masikip ang daanan sa aking bababaan dahil palengke ito. Marami akong pagkakataon para kumaripas ng pagbaba at hindi na mapansin ng drayber. Sige, tatayo nalang ako at tatakbo na habang nakatigil pa ang dyip.

“O yung mga hindi pa nagbabayad dyan, pakiabot nalang ho ng mga bayad ninyo.”

Nanigas ako sa aking kinalalagyan. Alam ni manong na hindi pa ako nagbabayad! Hala, ano nang gagawin ko? Maniniwala ba siya pag sinabi kong kulang ang pera ko? Baka akalain niyang niloloko ko lang siya.

Dito na dapat ako bababa.

“Manong! Pasensya na po, apat na piso nalang ang pera ko. Heto po kunin nyo. Antayin nyo lang po ako sandali, kukuha pa po ako ng apat na piso. Dyan lang po ako nakatira. Antayin nyo po ako a,” lumabas sa aking bibig ng pagkabilis-bilis, halos hindi ko ito namalayan.

Ngunit dahil nasabi ko na, dali-dali na akong tumakbo palabas ng dyip at patungo sa bahay. Binuksan ng nanay ko ang gate.

“Nay, pahingi po ako ng apat na piso!”

“Bakit anak?”

“Basta Nay. Naghihintay si manong dun e.”

Kumuha si Nanay ng apat na piso. Kitang-kita ko sa kanyang mukha na hindi nya naiintindihan ang mga nangyayari. Mamaya ko nalang sasabihin. Tumakbo ako pabalik sa dyip. Mabuti nalang at trapik kaya naabutan ko pa siya.

“Manong (hingal), heto na pa yung kulang ko (hingal).”

“Ay iha, ayos lang. Sa iyo na yang apat na piso. Akala ko nga hindi ka na babalik e. Ipambili mo nalang yan ng ayskendi. Libre ko na yan,” sabay ngiti ni manong drayber at pinaandar na ang kanyang dyip sa maluwang nang kalsada.

Ako naman ay nanatili sa aking kinatatayuan. Akala ko’y susungitan ako ni manong dahil sa pinaghintay ko pa siya. May apat na piso pa tuloy ako ngayon. Napangiti ako bigla, hindi lang dahil sa nakalibre ako kundi dahil sa hindi ako nag-wan, tu, tri. Umuwi ako ng bahay at niyakap si Nanay at kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari.

____________________

31mar10

-Kuwentong Pambata para sa Malikhaing Pagsusulat 10

base sa aking karanasan :)

14 March 2010

same old story

before...

i thought i was ready to go on board
young as i am
ambitious as i always have been

i thought i was ready to take over
everything is perfect
it'll be all fine

i thought i was ready to take it in
it's manageable, isn't it
i'm over the top anyway

now...

i am on board
trying to maintain my balance as i walk
i can't even open my eyes to look towards what's ahead

i am on board
holding this on one hand, holding that on another
thinking of everything, anything, something, nothing

i am on board
so tired and exhausted of all the work i did
not realizing that i'm already off-course

later...

"excuse me, but are you in charge here?"
of course i am
i'm just resting

"excuse me, should you really be the one in charge?"
of course i should be
who else can handle it anyway

"excuse me"
what do you think you're doing
who are you anyway

during later...

i wonder why we began moving
i'm still outside
talking to others

i wonder who initiated the move
who took over
with tactless decisions

i wonder
why everyone think its moving
when it really isn't

after later...

is a decision you have to make

____________________
14mar10
-what would you do?
let it adrift?
or admit that you're not in charge?
-ara.janelle