30 April 2008

Isang Paalala

Ang summa cum laude ngayong centennial graduation sa Unibersidad ng Pilipinas ay nanggaling sa Kolehiyo ng Musika. Siya si Gabi Francisco.

Bakit ko sinasabi ito? Dahil iniisip ko kung kakayanin kaya ng kakayanan ko na maging tulad niya. Gusto ko din maging isang huwarang mag-aaral. Napakataas kong mangarap no? Hayaan n'yo na, libre lang naman e.


Libre din magdasal. :)

Sabi ni manong Lito, "Kapag andito pa ako sa panahon na ggradweyt ka, manonood ako!"

Sabi ko naman, "Manong, baka nga cum laude lang ako. Hindi ako aakyat ng stage!"

Tugon naman nya, "Basta magdasal ka lang at magpakumbaba ka. Alam kong hindi mo kaya yun pero kaya ng Panginoon natin yun."

Hindi ako nakapagsalita. Saka ko lang napansin na nagiging mayabang nanaman ako. Hindi ko nga naman talaga kakayanin ang lahat ng ito mag-isa. Wala ako ngayon kung wala ang biyaya ng Kanyang buhay. Sobrang natamaan ako. Sakto. Swak.

Sabi ni Mam Joy, "Naku, yang si Ara ang susunod na summa cum laude ng college."

Sabi ko naman, "Ay Mam, sana nga po."

Pero sa loob ko, medyo napapaisip na ako na mukhang kelangan ko talaga magtiyaga para maging summa cum laude. Kung hindi man, kahit papaano'y nagawa ko ang lahat sa lubos ng aking kakayanan. Maraming umaasa sa akin. Mahirap man dahil hindi mawawala ang "pressure". Magtitiwala na lamang ako sa Kanya, sa Kanya na nagbigay sa akin ng talento, katalinuhan, at lakas.

"Manong Lito, iba ka talaga."

"Panginoon, iba ka sa lahat..."

22 April 2008

Ang Aking Napagtanto

Hindi ko alam pero parang andami kong pinag-isipan ngayong araw na ito. Kung hindi sinasabi ng tao, nakikita mismo ng dalawang mata ko, nararamdaman ko, o kaya'y biglang ididikta nalang ng utak ko. Hindi ko alam kung naging mapag-obserba lang ako ngayon o talagang napanahon lang. Pero, maganda din na paminsan-minsa'y magtanto at magnilay-nilay sa mga bagay na nasa paligid mo, idamay mo na din ang sarili mo.

Sa lahat ng ginawa kong pag-iisip, eto ang aking naging konklusyon..

"Alamin mo kung sino ka at kung ano ang dahilan bakit ka naging ikaw."

Sa maikling pangungusap na ito nakapaloob ang lahat ng aking napagmasdan ngayong araw.

"Maikli lang ang buhay..."









Salamat sa mga sumusunod:
*Sa driver ng fx kaninang umaga na nakikipagkuwentuhan sa kanyang katabi tungkol sa mga interes ng kanyang mga anak.
*Kay manong Lito (guard sa CMu Annex) dahil alam na niya ang dahilan kung bakit siya nabubuhay sa mundong ito. :)
*Kay kuya Bogs, habang pinapakinggan ko ang kanyang mga sagot sa mga ginawa nyang tanong para sa Psych101 (kung bakit sinasagot nya ang ginawa nyang tanong..o kung bakit sya gumawa ng tanong, mahabang istorya.hahaha. :D).
*Kay ate Jj. "Coz deep inside this armor, the warrior is a child." ü
*Sa oil price hike na napansin namin ni kuya Bogs habang nagpapagasolina ang tatay niya.hehe. :)
*Sa movie na "The Inevitable Truth". Happy Earth's Day!! :D
*Sa nanay ko. ^_^
*At, syempre, sa Panginoon, ang dahilan kung bakit ako nabubuhay. Hindi na magbabago yun. Di na ako magkakaroon ng identity confusion sa ganyang aspeto.hahaha. :)


[naapektuhan na pala ako ng Psych101.hehe. ü]

07 April 2008

For How Long?

There you were, sitting on a bench along the corridor. Yes, you were playing your instrument. You skillfully played your fingers along the strings. You smoothly glided the bow across that toy of yours. And I could feel that it's a part of yourself, your whole being. I looked through those eyes that mirrors the emotion of the notes. It's just too wonderful to bear.

Even before I saw you, i already pictured the wonderful face with those expressive eyes. You may not know that I have noticed it long ago. I was too stunned, running out of words to say or even think of. Everything seemed to be a dream because I never felt this way before. Infatuation? No. Admiration? Better. I was so good in hiding my feelings that you didn't even know that I "admire" you, or did you? I just wanted to control myself because i might act stupid. You know, the normal stuff. And for one reason, I'm not the showy type of a person when it comes to the issues of admiration. Well, give me a pen and a paper, I can show you anything...uncontrollably, though.

Now, I'm staring at you. You didn't even notice, which is good. I feel secured. I mean, my secret is secured. But for how long?

How long? Maybe after a year since we met each other.

Although it might take more than a year or so, if you would know who I am...

...or who you are.