31 January 2010

lessons still to be learned

*insights from the message of God's Word that I learned from Church services ^^

1) Unforgiveness is a poison you drink, hoping that others will die.
--the ever-favorite. ahaha

2) Conflict is an opportunity to glorify God.

3) The Christian faith is not about individualism. It takes place within a community of believers.

4) CHRISTIANITY is all about relationships ("Mahal kita dahil Kristyano ako."). It's not about hate relationships ("Kristyano ako kaya ayaw ko sa'yo.").

5) Forgiveness is all about GRACE, not FAIRNESS.

6) Because when we are divided
I can hear Him crying
I can't be a part of breaking His heart anymore
I can't do it anymore
So, brother, I commit my love to you
--I Commit my Love to You by Twila Paris

7) Solve the problem. Don't condemn the sinner.

8) He saved us not FROM the nations, but FOR the nations.

9) The more God shows His imminence, the more we should realize His transcendence.

10) Our utmost purpose is to glorify GOD.

23 January 2010

ikaapat

binibilang ko ang mga naglalagas
na dahon
pinagmamasdan ko ang paglubog
ng araw
pinakikinggan ko ang uyayi
ng kuliglig

sumandal ako sa aking
kinalalagyan
buntung-hininga
naghihintay ng isang diwata
na lilipad galing sa
langit
o maging sa lupa
na haharap sa akin
habang iwinawasiwas ang kanyang
kamay
at gagawin ang aking mundo na
kasing-kulay ng mga bulaklak

sa isang panaginip
na kailanma'y hindi ko na
marahil
matatanaw.
____________________
23jan10
4 down, one more to go!!!
-ara.janelle

ikatlo

unti-unti ka nang nililinlang
ng mga boses sa
naninimdim
na saliw ng iyong
kwerdas na
iyong pinipilit santuhin.

masikip na kalawakan.

saan ba ito
patutungo?

isa na nga ba itong
kahibangan?

o pagsuko sa karimlan
nang
walang
naiintindihan?
_____________________
23jan10
3 down, 2 more to go!!!
-ara.janelle

03 January 2010

ikalawa

binabagtas ko ang
araw-araw
suot ang
tanikalang
ginto
pinapalakpakan ng
madla
tanikalang ginto
inaasam ng
karamihan

nakikita ang
kinang
ang ginto sa bawat
kalawang
napupuna ang
kislap sa bawat
bigat

na sa kumunoy
ako'y dinala
____________________
04jan10
tanikalang ginto..
pilit mo ba akong dinadala sa kumunoy?
-ara.janelle