Pinagninilay
Upang harapin ang bukang
Liwayway
Na maaring puno ng kasiglaha't
Paghuhumiyaw
Sa mga pagkakataong labis ang
Di kasiguraduhan
Para sa mga pag-asang
Nanlulupaypay
Huwag matakot na magmuling
Umantabay
Isambit ng magmuli ang laging
Pinaglalamayan
Tuklapin muli ang sugat ng
Kasiguraduhan
Ibulong sa hanging
Umuulyaw
Ang mga kathaing pilit
Humahandusay
Sa kaguluhan ng isipang
Pinapamuhay
Gawing kasiguraduhan ang
Di kasiguraduhan
____________________
28feb13
Text for Alexander John Villanueva's composition entitled "Dala-dalangin"
To be performed by Nikka Mae Lopez on her 3rd voice recital (13apr13).
-ara.janelle