06 June 2008

Purihin Ang Ngalan Nya!!

"Pitong libo, isang daan at pitong isla. Labing-pitong rehiyon. Luzon, Visayas at Mindanao. Pilipinas.

Marami man tayong pagkakaiba, magkakalayo man ang ating kinaroroonan, magkakaiba man ang ating dialekto, isa lang ang ating pinupuri.

Ipinapamalas ng susunod na komposisyon ang pagkakaisa ng ating mga puso sa pagtaas ng pangalan ng nag-iisang Tagapaglikha ng langit at lupa. Gamit ang iba't-ibang dialekto mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao, inihahayag nito ang iisang kahulugan: "Purihin Ka. Walang katulad ang pag-ibig Mo, hindi mapapantayan. Laging bago. Napakasarap sa piling Mo at doo'y hindi ako matitinag. Banal Ka, Panginoong Diyos sa lahat. Purihin ang ngalan Mo."

Samahan natin ang CPA Worship Team sa pagsamba sa Panginoon sa pamamagitan ng awiting "Glong-ngo Ko". Ating pag-isahin ang ating mga puso at mga boses sa pagsamba sa Panginoon ng pag-ibig. Purihin ang Kanyang ngalan!"
___________________
06june08
eto ang ginawa kong "narration" para sa kantang "Glong-ngo Ko" na tinugtog ng CPA Worship team..kasama na din sila Jeryal, Bojo, Aaron, Bien, Kuya Malvin, at Lui. Ako nalang ang gumawa nito sa dahilan na hindi ako pinayagan pumunta ng Laguna. Layo daw kasi e! Ahahahaha. :]

No comments: