16 August 2008

ice cream+fries

~ "wow, ang ganda naman ng hikaw mo. saan mo nabili yan?"

* "sa..Manila."


dahil sa dalawang sentence na ito, nagsimula mabuo ang isang pagkakaibigan. ang absurd man pakinggan na nagsimula lahat dahil sa isang hikaw. pero, anong magagawa ko? di ko din naman alam na dahil dun, magkakakilala kami.


~ "ice cream+fries?"


eto ang next big thing na tumulong para makilala pa namin ang isa't-isa. nagkakwentuhan. nagkatawanan. nagkadamayan. nagkaiyakan. lahat ng ito ay nasaksihan ng aming ice cream. since naubos na namin yun, wala na ang isa sa mga primary witness ng usapang naganap kundi kami nalang dalawa. [maliban nalang kung ipagkakalat nya yun, pero babatukan ko muna siya ng big time.hahaha :)]


* "And yesterday He led you there;
and now He wants you here;
And what shall be tomorrow's work,
tomorrow shall make clear.
So patiently and faithfully let each
day's course be run;
God is not in a hurry, dear,
His work will all be done."


hindi pwedeng mawala ang kasentihan sa mundo. at may version din kami nyan! pero medyo kakaiba sya kasi hindi lang puro kamunduhan ang pinag-uusapan namin dito. taga-ibang planeta kasi kami e.


* "ice cream ulit!"

~ "ui, may nakita ako somewhere out there, sabi ni someone!"

* "tara!!"


at eto ang latest, ang continuation ng nabitin na kwentuhan. syempre ice cream nanaman ang saksi. ang saya ng pakiramdam ng wala kang iniisip na problema o schoolwork o requirement na dapat tapusin kahit sandali lang. ang sarap ng pakiramdam ng nagkkwentuhan lang kayo habang umiihip ang hangin sa inyong mga mukha at sinasadyang guluhin ang inyong mga buhok. at sa eksenang biglaang katahimikan, ang tanging subtitle dun ay, "salamat.."


~ "sa susunod ulit!"


sige ba! excited na akong magkakwentuhan tayo ulit. muli natin gawing saksi ang ating mga ice cream. :P
____________________
16aug08
isa lang ang masasabi ko..
"salamat.."

1 comment:

Anonymous said...

ara!!! miss you!