10 August 2008

Kapitbahay

"Ok! Alright! Let's do this right!"

Yan ang palatandaan kong 9am na every mondays, wednesdays and fridays.
Nag-uumpisa yan sa,
"Bilisan nyo guys ah!"
Tapos unti-unting nawawala ang kanilang mga kuskos-balungos.
Biglang may sisigaw,
"Ok! Alright! Let's do this right!"
Tapos sunud-sunod na yan.
May palakpakan, sigawan, tawanan.
Kung di mo sila kilala,
aakalain ninyong may inaalay na tao sa kung sino mang anito.
Yun kasi talaga ang una kong impresyon.

Pero sila ang ginawa kong paalala na ang mondays, wednesdays and fridays ko dapat ay:
Ok!
Alright!


Let's do this right!



Hanep sa strategy no?

Ano o sino kaya ang magpapaalala sakin ng tuesdays, thursdays, saturdays at sundays?


____________________
10aug08
ang galing kaya,
lagi nila akong pinapapaalalahanan
na kelangan subukan ko na maging mabuti lahat ng aking gagawin
para sa araw na ginagawa nila yung ritwal nila.
Ok? Ok!! :D

No comments: