30 April 2008

Isang Paalala

Ang summa cum laude ngayong centennial graduation sa Unibersidad ng Pilipinas ay nanggaling sa Kolehiyo ng Musika. Siya si Gabi Francisco.

Bakit ko sinasabi ito? Dahil iniisip ko kung kakayanin kaya ng kakayanan ko na maging tulad niya. Gusto ko din maging isang huwarang mag-aaral. Napakataas kong mangarap no? Hayaan n'yo na, libre lang naman e.


Libre din magdasal. :)

Sabi ni manong Lito, "Kapag andito pa ako sa panahon na ggradweyt ka, manonood ako!"

Sabi ko naman, "Manong, baka nga cum laude lang ako. Hindi ako aakyat ng stage!"

Tugon naman nya, "Basta magdasal ka lang at magpakumbaba ka. Alam kong hindi mo kaya yun pero kaya ng Panginoon natin yun."

Hindi ako nakapagsalita. Saka ko lang napansin na nagiging mayabang nanaman ako. Hindi ko nga naman talaga kakayanin ang lahat ng ito mag-isa. Wala ako ngayon kung wala ang biyaya ng Kanyang buhay. Sobrang natamaan ako. Sakto. Swak.

Sabi ni Mam Joy, "Naku, yang si Ara ang susunod na summa cum laude ng college."

Sabi ko naman, "Ay Mam, sana nga po."

Pero sa loob ko, medyo napapaisip na ako na mukhang kelangan ko talaga magtiyaga para maging summa cum laude. Kung hindi man, kahit papaano'y nagawa ko ang lahat sa lubos ng aking kakayanan. Maraming umaasa sa akin. Mahirap man dahil hindi mawawala ang "pressure". Magtitiwala na lamang ako sa Kanya, sa Kanya na nagbigay sa akin ng talento, katalinuhan, at lakas.

"Manong Lito, iba ka talaga."

"Panginoon, iba ka sa lahat..."

2 comments:

Anonymous said...

panalo tong panulat na to! iba nag dating! panama sa mga may self pity dyan sa sarili! hahahaha! anyway, i support my klangers unsuiness muningnessity's writings!!! panalo!!!! woooot! woooot!

Era Janeru said...

wahahahaha! salamat men!!!! at least bati na kayo. o diba! dabest. :D