01 May 2008

Ang Totoo Nyan...

"hindi ko ginusto ang mga nangyari."

isa sa malaking kasinungalingan hanggang ngayo'y nagagamit ko.
sadya man o hindi.
ngunit ito lang ang paraan
para magkaroon ako ng dahilan
na tumakas sa realidad
na aking kinagagalawan.

halos magpapalit na ako ng baga sa lung center kakasayaw ng street dance.
hindi ko makanta maigi ang alto part mag-isa.
dinamay ako sa away-magkaibigan.
hindi ako nagsalita.
sinagot ko pabalik ang magulang ko.
quatro ang solfege exam ko.
oo, maniwala ka.
iniwan ako ng matalik kong kaibigan.
muntik ko nang awayin yung taong grasa.
hindi ako makatulog.
asan ang Grimm's fairytales ko?
umiyak ako.
ngumawa.
humagulgol.
iniluwal ako sa lugar na ngayon ko lang nakita.



"hindi ko ginusto ang mga nangyari."






tumatakas lang ako sa realidad.
gusto ko lang muna mawala sa panahong tinatawag nilang...



NGAYON.




_____________________________
30apr08
sa alaala ng nakaraan,
ibabalik ko ito isa-isa

No comments: