23 May 2008

Ako Lang To

Photobucket

"sino ka ba?
ano ginagawa mo?
teka, anong kwenta ng ginagawa mo?
ano magagawa nyan sakin?
ano magagawa nyan sa mundo?
anong silbi mo?"

oo, ako lang to.
eto lang kasi ang nagagawa ko.
di tulad ng mga tinitingala kong mga tao,
magaling kumanta.
galing tumugtog ng instrumento.
hanep sumayaw.
matatas magsalita.
magaling magsulat.

oo, ako lang to.
walang kakaiba.
ako lang.
kahit balatan mo pa ako ng buhay.
di ko nga alam kung makakatulong to.
sa iyo o sa mundo.
sa tingin mo?
ano kaya ako sa mundo?

oo, ako lang to.
isa sa bilyun-bilyong tao sa mundo.
isa sa babae na nilalang ng Diyos.
isang Pilipino.
isa sa mga gustong kumanta.
isa sa mga nais magsulat.
isa sa mga taong nais may gawin pagbabago sa mundo.
gaano man kaliit ito.

oo, ako lang to.
pero nag-iisa lang ako.







____________________
23may08
"even the slightest breeze help form the waves of the sea"
ginagawa ko lahat ng bagay sa abot ng aking makakaya,
hindi man ito nakikita ng mundo.
pag sinabi ninyong wala akong silbi sa mundo,
parang sinabi n'yo na din na walang silbi ang Panginoon ko।
Nag-iisa lang ang Ara Janelle S. Foronda sa mundong ito!
"oo, ako lang to.
pero nag-iisa lang ako!!"

No comments: