25 May 2008

Ang Cockatiel...

Yehey!!! :D

May alaga na ulit kami.

Kaso, bago namin magupitan ng pakpak (para di makalipad ng mataas) at ilagay sa cage, sandamakmak na pagsubok ang aming pinagdaanan. Una, natuka si papa. Pangalawa, natuka si papa. Pangatlo, natuka si papa. Namiss ko tuloy lahat ng naging alaga namin.

Meron nanaman kaming haharapin na challenge: kelangan namin paamuhin ang monster na sumapi sa loob ng cockatiel na yun. Pano kaya namin gagawin yun? Daanin sa dasal? Sa "haaauuuuuuummmmmmm"? Ah basta.




Kaso, hindi pa ako handa matuka ULIT!




Itay: "No choice ka. E kung trip ka kagatin ng ibon..."









Teka,


may antidote ba sa tuka ng ibon?

______________________
25may08
aba, malay ko bang masakit mangagat ang cockatiel!
takot ko lang.. :P

No comments: