05 May 2008

Kung ang Buhay ay Isang FRiENDSTER...

*siguradong may HOME ka.
*invite mo lang ang FRiENDS mo at accept ka na nila kagad.
*hindi mo makakalimutan ang BiRTHDAYS ng mga tao.
*kahit pipi, pwede magCOMMENT tungkol sayo.
*meron kang UPDATES ukol sa bawat isa.
*pwede mong i-EDiT ang PROFiLE mo ayon sa gusto mo..
*..included na ang BACKGROUND mo.
*maari mo din palitan ang NAME mo anytime.
*lagyan mo pa ng APPLiCATiONS, pampadagdag ng buhay sa profile mo.
*mayroon pang PASSWORD ang iyong home.

hindi ba't napakasarap isipin ng ganitong buhay? Umaayon sya sa trip mo, sa panlasa mo.
mayroon ka laging inuuwian na tahanan.
lagi kang inaaccept ng mga kaibigan mo.
hindi ka nakakalimot. Ultimo birthday ng apo ng apo mo sa tuhod alam mo pa.
may pakialam sa'yo ang mga nakapaligid sa iyo.
lagi kang may balita tungkol sa mga taong mahal mo.
pwede mo baguhin ang buhay mo sa isang iglap lang..
..pati na ang iyong pinanggalingan at nakaraan.
maari mo pang palitan ang iyong pangalan kung sakaling ayaw mong makilala ka ng mga tao.
may privacy ang mundong iyong ginagalawan.
at isang pindutan lang ang daan sa makulay na buhay.

sayang at hindi naging friendster ang buhay ko.
para nga itong ambush interview.
makikita ng buong mundo kung sino ako.
on the spot.

pero exciting.
hindi ko alam kung ano ang susunod na tanong.
kelangan kong maghintay habang umaaksyon ang utak ko.
habang hinahanap ang pagkatao ko.

isa lang din naman ang maiisip natin sa bandang huli ng paghahanap.


"TAO LANG AKO. TAO PA RiN AKO."

hindi mo man aminin, yan pa rin ang kahahantungan ng pagdeny mo.





pero naiiba ang mga gumagapang papuntang finish line.
sa kabila ng sunud-sunod na ambush interview,
nakahanap pa sila ng oras para gumawa ng mala-friendster na buhay.

mas naiiba ang taong tumulong pa sa iba na gumawa ng pinakaasam na buhay-friendster.


____________________
30apr08
hanga ako sa mga taong hindi natatakot mangarap,
gumawa ng paraan,
at humanap ng solusyon.
nagpapasalamat din ako sa taong
tumutulong upang unti-unti kong makamit
ang friendster na buhay,
hindi man ito perpekto.
~Jeryal Manansala, salamat sa lahat!! :)

2 comments:

musikahangjetu said...

wow! ang ganda naman ng panulat na to! GO!!!! galing! hanga ako sayo! HUSAY! GALING! Talentado! hahahaha!

tol! Touched naman ako...
hehehe, i-block ka man ng ilang mga friends mo na inaccept mo noon, at binalahura ka ngayon, nandito pa rin kami, at ako, ang itay, amo, kaklase, kaleydzmeyt, skulmeyt, kapwa isk[o], kabayan, kakulitan, katawanan, kaiyakan, katugtugan, kakantahan, kapatid sa Panginoon at tunay mong kaibigan... walang baligataran at hindi ka ilalaglag ni jetu! promise! i'm always here to help you up and do my task as your very handsome amo and cute friendness na totoo!!!!!! hahahaha! anyway! thanks din sa lahat, muning, ginawa mong makulay ang buhay kolehiyo ko, isang makulit na kulay...

" evry life in this world is painted by GOD's own hands,

my life has color black - for sorrows, red - for love, blue - for gimiks, violet - for music, etc...

and i'm so happy that when HE painted my life, HE included this one color that will never fade...

color ara janelle foronda.."

thanks a lot!

take care always!

friends for life!

God Bless!!!!!!!!

-jetu-

Who Am I? said...

wah, natouch naman ako Jetu! :D
pangako din, walang iwanan!
for life!!!!! :))