araw-araw
suot ang
tanikalang
ginto
pinapalakpakan ng
madla
tanikalang ginto
inaasam ng
karamihan
nakikita ang
kinang
ang ginto sa bawat
kalawang
napupuna ang
kislap sa bawat
bigat
na sa kumunoy
ako'y dinala
____________________
04jan10
tanikalang ginto..
pilit mo ba akong dinadala sa kumunoy?
-ara.janelle
No comments:
Post a Comment