23 January 2010

ikatlo

unti-unti ka nang nililinlang
ng mga boses sa
naninimdim
na saliw ng iyong
kwerdas na
iyong pinipilit santuhin.

masikip na kalawakan.

saan ba ito
patutungo?

isa na nga ba itong
kahibangan?

o pagsuko sa karimlan
nang
walang
naiintindihan?
_____________________
23jan10
3 down, 2 more to go!!!
-ara.janelle

No comments: