08 May 2008

Heto ang Piso..

"heto ang piso, humanap ka ng kausap mo."
children obey your parents nga daw.
ako naman si sunod.
inaamin kong hindi ako handa
para maghanap ng kausap.
wala namang survival guide na nagsasabi
kung paano bumili
ng pisong kausap.
di din naman tinuturo sa eskwelahan yun.
pero, pakapalan nalang ng mukha.
basta may piso, keri na.

"bigyan ninyo ako ng kausap.."
grabe,
hirap pala maghanap
ng matinong kausap
na nagkakahalaga ng piso.
kelangan mapagana ang convincing skills.
madaming nagsasabing
mukha daw akong hibang.
hilo ba sila?
may pambayad naman ako
para sa kakausap sa akin.
ngunit pinagkakaisahan nila ako.
weird daw ng wish ko.
mukhang hindi madali ang task na ito.
baka maging big winner ako
sa bahay ni kuya
kapag natapos ko itong misyon ko.

"qualifications ng wanted na kausap.."
kahit mukha akong out-of-this world,
may mga tumugon naman
sa advertisement ko.
kaso parang nataranta ako.
sa kausap #1,
mukha akong listener ng radyo.
hindi nga lang pwede tumawag o magtext
para magcomment.
bawal gumawa ng maling reaksyon.
sa kausap #2,
aba, para akong tape recorder.
record.play.
gusto nya ulitin ko ang kanyang mga sinabi.
proof daw na di sayang ang laway niya.
sa kausap #3,
parang wa wala din akong kausap.
ako lang ang dumadakdak.
tungo.iling.tungo.iling.

hindi ba pwedeng 3 in 1?

"suko na ako sa paghahanap."
ayoko na.
kala ko naman
makakatulong ang piso ko.
mag-aaral na nga lang ulit ako.

"oh men, nagkalat sila!"
pagkapasok ko sa kolehiyo,
dun ko lang pala makikita
ang matagal ko nang hina-hunting.
pero may isang lumapit sakin.
pumayag siya sa deal ko.
"kausapin mo ako kapalit ng piso."
kinausap niya ako,
pero hindi naman
kinuha ang piso ko.
bakit?
hindi ko alam.
baka naghahanap din siya ng kausap
na piso ang halaga.

"pasensya na, piso lang ang maibabahagi ko."
at least, nagshare!
itong kausap ko,
tumataliwas sa takbo ng uso.
kahit na piso lang ang kaya kong ibigay
(dahil yun lang ang meron ako..),
lahat naman ng barya niya'y
ilalabas niya.
pero kahit weird siya,
nagpapasalamat parin ako
sa pencil case, sa planner,
sa children's party mode nung birthday ko,
pati na din sa choco-banana shake.
marami-rami na din kaming napag-usapan
pero hindi parin niya tinatanggap
ang pisong inaalok ko.

"mga nasambit.."
'thank you for playing my music,
thank you for singing my song.'
kakaiba din itong kausap
na aking nahanap.
nagpapasalamat sa mga bagay
na hindi ko pa nagagawa.
hindi ko pa naman
natugtog ang kanyang musika.
lalo namang hindi ko nakanta
ang kanyang awitin.
baka nalilito na siya
dahil sa dami ng kausap na
nakita niya.

"hindi lang pala piso ang meron sa mundo."
sa tagal ng aming pag-uusap,
[take note: wala itong bayad.]
nalaman kong hindi lang piso
ang meron sa mundo.
masyado ko atang kinahon
ang sarili ko sa pisong bigay
ng magulang ko.
parang unti-unti kong binuksan
ang kahon ko,
tapos may nakita akong limang piso!
hindi nga lang piso ang meron
sa mundo.
may limang piso,
may kahon,
at may kausap.

"piso para sa.."
isang pangarap na natupad,
para sa tawanang nasambit,
para sa tuwang nakamit,
para sa pasang binuhat,
para sa pagtutulungan,
para sa kahon,
para sa kausap,
para sa iyo.

"eto ang piso, humanap ka ng kausap mo."

sa wakas, kinuha niya ang piso ko,

pero hindi niya iniwan ang tabi ko.


ilang Jen man ang dumating sa buhay niya,

nanitiling pangako at inspirasyon
ang pisong kinuha niya sa kamay ko.




____________________
08may08
para sa isa sa
malupet kong kausap
na naging isang matalik kong kaibigan,
na hindi iniwan ang aking tabi..
..anuman ang mangyari,
Jeryal, salamat sa pagtugon sa advertisement ko.
:)

2 comments:

Anonymous said...

putekness!!!!
mamatay-matay ako after i read this article!
thanks klang!
unsui muning ko...

hihiling pa ako ng mga panulat sa iyo ngunit sa mga pambihira at ginintuang panahon ng buhay ko...

bago ako mamatay? hahaha, ang galing mo, hay, umiiyak talaga ako nung binabasa ko to...

pangako, no matter what happens, i'll always be your amo, tatay, best friend!

lovelots!!

muahugz!!

God Bless Us!

-jetu-

jetu said...

waaaaaaaaaah!
naiiyak naman ako ngayon habang binabasa ko to..

huhuhu, salamat muneeng!

magkalayo man tayo, di ka naman malayo sa puso ko, isa ka sa mga TUNAY kong kaibigan!

pagpalain ka ng Maykapal!

jetu